
Kinondena ng mga mamamahayag sa Lungsod ng Cagayan de Oro ang akusasyon ni Misamis Oriental Governor Juliette Uy na ang ilang mamamahayag sa probinsya ay biased sa kanilang pagbabalita.
Sa isinagawang flag-raising ceremony nitong Lunes, Disyembre 1, hayagan ang gobernadora sa pagsasabing biased at mga bayaran umano ang media sa probinsya. Nanawagan din itong maging patas sa paghahatid ng balita ang media sa taumbayan.
Dahil dito, mariin na kinondena ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Cagayan de Oro at Misamis Oriental Chapter, National Union Journalist of the Philippines, at mga opisyales ng Misamis Oriental Press Corp ang naging pahayag ng nasabing opisyal.
Samantala, humingi naman ng tawad ang Special Assistant to the Governor na si Mr. Popoy Abucejo sa mga miyembro ng media.
Ayon kay Mr. Abucejo, hindi lahat ng media ng Cagayan de Oro at Misamis Oriental ang pinatatamaan ng gobernadora kundi ang iilan sa media personalities sa lungsod.









