Manila, Philippines – Hindi naniniwala ang grupo ng mga manggagawa sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kaya ng mga Pilipino ang mga trabahong pinapasok ngayon ng Chinese nationals sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay Elmer Labog- National Chairperson ng Kilusang Mayo Uno o KMU – sinabi nito na walang Filipino ang may gusto na magtrabaho sa ibang bansa kung saan hindi din naman namimili ang mga Pinoy ng kanilang trabaho.
Nilinaw naman ni Labog na wala silang sama ng loob sa mga Chinese na nagta-trabaho sa Pilipinas pero nais lang nila na dumaan sa proseso at gawin ang nararapat na batas upang makontrol ito.
Sa huli, hiling nila na maglabas ng datos o bilang ang gobyerno sa mga nagta-trabahong Chinese nationals upang malaman kung ilan ang iligal na ninirahan dito sa Pilipinas.