Grupo ng mga manggagawa, hindi pabor sa pagtanggal ng subsidiya sa PhilHealth sa ilalim ng GAA

Kinokondena ng grupo ng mga manggagawa ang naaprubahang General Appropriations Act (2025 National Budget) ng Kongreso.

Tutol ang iba’t ibang labor groups partikular ang partido manggagawa sa desisyon na zero subsidy sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth kung saan lahat ng subsidiya ay ilalagay sa Ayuda sa Kapos Ang Kita Program o AKAP, Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD at confidential funds na isang uri ng trapo.

Hiling ng grupo na i-veto ang naaprubahang GAA ng BiCam kung saan dapat na paglaanan ng pondo ang PhilHealth sa ilalim ng 2025 national budget para mapakinabangan ng publiko.

Hiling pa nila na mag-resign na lamang si Health Sec. Ted Herbosa para mabago ang sistem at magkaroon ng revamp sa mga miyembro ng board ng PhilHealth.

Bukod dito, hiling din ng grupo ns tanggalin na ang confidential funds hindi lamang sa Office of the Vice President, kung hindi sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Kaugnay nito, magkakasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang labor groups sa Quezon City na susundan ng malawakang rally sa Senado sa darating na Miyerkules.

Facebook Comments