Grupo ng mga manggagawa, magpoprotesta sa tanggapan ng NCR wage board

Manila, Philippines – Susugod sa tanggapan ng NCR Wage Board ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino para iprotesta ang ipatutupad na 21 pisong dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila pagpasok ng Oktubre.

Ayon kay Leody de Guzman, presidente ng BMP, insulto ang 21 pisong dagdag na ito sa dignidad ng mga manggagawa.

Kulang na kulang aniya ito kung ikukumpara sa sunod sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Ayon kay De Guzman, kung ang target ng wage Board ay ang paggiging mas produktibo ng mga manggagawa, dapat aniya ay huwag tipirin ang mga ito sa kakarampot na wage hike.

Bukod kasi sa nagiging tauhan sila ng mga kapitalista, hindi aniya nababayaran ng tama ng kanilang labor force.

Facebook Comments