Nababagalan ang isang grupo ng mga manggagawa sa kasalukuyang vaccination rollout ng pamahalaan.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na kaunti pa lamang ang vaccination centers na may sapat na supply para sa dami ng mga manggagawang gustong magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Hindi raw aniya tama ang naging pagprayoridad ng pamahalaan lalo na’t hindi agad inuna ang mga essential workers na makakatulong sana upang hindi tuluyang bumagsak ang ating ekonomiya.
Kasunod nito, nanawagan din si Tanjusay na ibuhos na ang lahat ng supply ng mga bakuna para sa mga manggagawa.
Facebook Comments