Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang mga manggagawang naapektuhan bunsod ng COVID-19 pandemic sa mismong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Manila.
Partikular na nagkilos-protesta ang mga mga ito sa Marikina, Caloocan, Valenzuela at Taguig City na pinangunahan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reform (SUPER) Federation.
Kanilang ipinanawagan sa DOLE na tulungan ang katulad nilang mangggagawa kasabay ng pagbibigay ng protection at dagdag na trabaho.
Nabatid kasi na may ilang kumpaniya ang nagpatupad ng mass-layoffs, pagbabawas ng swelso at benepisyo kasabay ng pagbubuwag ng union at ayaw magkaroon ng negosasyon.
Iginigiit ng bawat grupo na ginagamit ng mga kumpaniya ang sitwasyon ng pandemya para gawin ang mga nais nila sa mga mangagawa.
Partikular din na lubos na naapektuhan ang mga contractual worker na hindi na nabigyan pa ng pagkakataon na ma-regular.
Nais nila na itigil na ang pagtatanggal sa mga trabahador at pagpapatuloy ng pagbibigay ng ayuda sa gitna ng nararanasang pandemya.