Nanawagan sa gobyerno ang grupo ng mga mangingisda sa Mindanao na palakasin pa ang pagbabantay sa karagatang sakop ng bansa.
Nagpahayag ng labis na pagkabahala ang mga residente sa Western Mindanao matapos mamataan ang mga Chinese Navy Ships sa katubigan ng Mindanao sa gitna na rin ng nangyayaring tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Roberto “Ka Dodoy” Ballon, lider ng Katipunan ng mga Kilusang Artisanong Mangingisda sa Pilipinas o KAKAMPI kung hindi agad maaaksyunan ang presensya ng mga barko ng China sa Mindanao, maaarin ang sitwasyon ay mauwi din gaya ng nangyayari sa West Philippine Sea.
“It’s just so unfair that while Chinese warships freely navigate the waters in Mindanao , we are thrown out in our waters in West Philippines Sea”, ayon kay Ballon.
Noong nakaraang linggo, na-monitor ng Naval Forces Western Mindanao ang PLA navy vessels ng China na pinaniniwalaang pawang training ships na dumadaan sa Basilan Straits at Sibutu straits sa karagatang sakop ng Sulu waters at Zamboanga Peninsula.
Ang nasabing lugar ay itinuturing na international strait at sakop ito ng prinsipyo sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Dahil dito ang mga dayuhang barko ay malayang makadaraan sa nasabing karagatan subalit kailangan nilang sumunod sa regulasyon at tiyaking napoprotektahan ang marine environment.
“They might not be that aggressive now here but we don’t know what will happen next given the tense situation in the WPS, that is why there must be an aggressive action from our government, especially that they are penetrating our territorial waters and would be disadvantageous as threats are imminent”, dagdag pa ni Ballon.
Nangangamba si Ballon na ang mga mangingisda sa Mindanao ang susunod na mahihirapan sa kanilang hanap-buhay na pangingisda dahil sa presensya ng China.
Ganito rin ang pangamba ni Edicio “Ed” Dela Torre, presidente ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), isang Non-Government Organization na nagsusulong ng rural development at local democracy sa bansa.
Ang grupo nina Ballon at Dela Torre ay kapwa lumahok sa “Atin Ito” campaign sa Zambales na naglayag patungo sa Panatag Shoal noong nakaraang buwan.
Samantala, sa isang media briefing nanawagan ang business tycoon na si Ramon Ang na patuloy na protektahan ang teritoryo ng bansa partikular sa West Philippine Sea (WPS) lalo at mayroon itong potensyal na maging major source ngd langis.
Ayon kay Ang, ang oil production sa bans ay pumapalo lamang sa 6,000 barrels per day habang ang ibang mga bansa ay kayang mag-produce ng 1 million barrels a day.
Sa Kamara, isinusulong ng mga mambabatas ang blue economy bill.
Layunin nitong gawing institutionalize ang pagbuo ng comprehensive framework para sa sustainable development ng marine at coastal resources at palakasin pa ang inter-agency, cross-sectoral at multi-stakeholder coordination.
Ang nasabing panukalang batas ay ang House Bill (HB) No. 69, o “An Act Establishing a Framework for Blue Economy, Promoting Stewardship and Sustainable Development of Coastal and Marine Ecosystems and Resources” o kilala din sa tawag na “Blue Economy Act”.
Si Negros Occidental 3rd District Rep. Jose Francisco Benitez ang sponsor ng panukala.
Kung maipapasa ang panukala, ang National Coast Watch Council ay magiging National Maritime Council na.