Grupo ng mga mangingisda, iginiit na walang maitutulong sa kanilang kabuhayan ang fuel discount ng DA

Wala umanong magiging signipikanteng tulong sa mga mangingisda ang ₱500 million fuel subsidy ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Ronnel Arambulo, national Spokesperson ng PAMALAKAYA, kahit magbigay pa ng fuel discount sa mga mangingisda ang DA ay hirap na silang makabangon muli.

Aniya, wala na silang pambili ng gasolina para pumapalaot at makapangisda.


Aniya, halos wala na silang panggastos para makapangisda dahil nasaid na sa magkakasunod na taas-presyo ng langis.

Giit ni Arambulo, sa halip na diskwento sa fuel, dapat ay magkaloob ang gobyerno ng “full fuel subsidy para sa mga itinuturing na food security frontliners sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments