Grupo ng mga mangingisda, nagkasa ng kilos-protesta sa Maynila

Kaliwa’t kanang kilos-protesta at iba pang aktibidad ang isinagawa sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila.

Ito’y isang araw bago ang pagdiriwang ng National Fisherfolk’s Day sa bansa kung saan iba’t ibang grupo ng mangingisda ang kapwa nananawagan sa pamahalaan na itigil na ang isinasagawang reclamation project na nakakasira sa kanilang kabuhayan.

Bukod pa ito sa panawagan na bawiin ng Korte Suprema ang kanilang resolusyon na payagan ang mga komersyal at malalaking mangingisda sa loob ng 15 kilometrong municipal na katubigan.

Nasa higit 500 na mangingisda mula sa Cavite, Laguna, Parañaque, Maynila, Navotas, Malabon, Bulacan, Bataan, at Zambales ang nagsama-sama kung saan ang iba sa kanila ay nagmartsa mula España Blvd. hanggang sa Mendiola.

Kaugnay nito, mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng Manila Police District (MPD), at ang mga kalsada patungong Mendiola ay isinara pansamantala sa mga motorista.

Hindi rin nila pinayagan na makalapit sa Mendiola ang magkabilang grupo kaya’t naharang na ito sa bahagi ng Recto at Legarda.

Facebook Comments