Pumalag ang militanteng grupo sa mga banat ng Pangulong Rodrigo Duterte na pag-takeover sa pamamahagi ng ayuda sa lungsod ng Maynila.
Sa protesta ng grupo, nanawagan ang Defend Jobs Philippines sa pamahalaan na huwag pulitikahin ang ayuda para sa mga mamamayan lalo na’t apektado rito ang publiko habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang Defend Jobs Philippines ang organizer ng Matimyas Workers Community Pantry sa Sampaloc, Manila.
Matatandaan na binanatan ng pangulo ang walang kaayusang vaccination site sa Maynila at binanggit din ang mga nakaraang seksing larawan ng alkalde.
Ayon kay Christian Lloyd Magsoy ng Defend Jobs Philippines, ang mga nasabing pahayag ay unethical, hindi kailangan at hindi akma sa pangulo.
Facebook Comments