Nagsagawa ng kilos protesta sa Litex Market ang mga grupong manggagawa.
Tinawag nila itong “Alta Presyo” o pangangalampag sa gitna ng pagsipa ng presyo ng mga food items hatid ng sunod-sunod na oil price hike.
Inikot ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang iba’t ibang stalls upang mapagkumpara ang presyo mga basic goods.
Ayon kay Lana Linaban ng KMU, hindi na makasabay ang arawang kita ng mga manggagawa sa pagtaas ng presyo ng langis.
Gayunman, nababagalan sila sa aksyon ng gobyerno upang mapaginhawa ang buhay ng mga mamamayan.
Facebook Comments