Grupo ng mga negosyante, nanawagan sa gobyerno ng agarang pagpapatupad ng mitigation plan ng sitwasyon sa San Juanico Bridge

Hinimok ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang mga ahensiya ng gobyerno na kaagad na magpatupad ng isang Urgent Economic Mitigation Plan kaugnay ng mga limitasyon sa pagtawid ng San Juanico Bridge.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCCI na nagresulta ito sa malubhang pagkaantala sa logictics na nakakaapekto sa paggalaw ng mga kalakal, lalo na ang nabubulok na mga produktong pang-agrikultura at mga mahahalagang suplay tulad ng medical at pharmaceutical, mga input sa construction at mga supply ng consumer, gasolina at iba pa.

Dagdag din ng PCCI na ang humantong ito sa pagtaas ng mga gastos sa transportasyon para ng mga raw materials at mga produkto dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng RoRo at mga alternatibong ferry.

Nakarating din sa PCCI ang mga ulat ng ilang lokal na negosyo na aabot na sa 30% ang paglugi.

Dahil dito, isinusulong ng PCCI ang coordinate action mula sa mga ahensiya ng gobyerno kabilang na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensiya ng gobyerno para sa pag ipatupad ang Urgent Economic Mitigation Plan.

Facebook Comments