Naniniwala ang isang grupo ng mga negosyante na tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho hanggang sa pagtatapos ng taon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na parating na ang panahon ng Pasko kaya darami ang mare-rehire na mga manggagawa.
Ayon kay Concepcion, partikular na dadami ang mga contractual na mga manggagawa dahil sa inaasahang pagdami ng mga consumer na mamimili ng mga produktong pamasko.
Asahan na aniya ang maraming tao ang lalabas sa mga susunod na buwan at tataas ang consumer spending, kaya naman tiwala si Concepcion na maganda ang lagay ng ekonomiya ng bansa ngayong huling quarter ng taon at magtatagal sa unang quarter ng 2024.
Facebook Comments