Grupo ng mga nurse, ipinapanawagan sa gobyerno na resolbahin ang delay na umento sa sahod at benepisyo

Kasado na ang isasagawang protesta ng isang grupo ng mga nurse sa Biyernes para ipanawagan ang aksyon sa pagkakaantala sa pagbibigay ng kanilang taas-sahod at benepisyo.

Ayon kay Pilipino Nurses United Vice President Leni Nolasco, sasamahan sila ng iba pang health care workers sa Biyernes mula alas-12:00 ng tanghali hanggang ala-1 ng hapon sa tapat ng Philippine Heart Center sa Quezon City.

Ipapanawagan din ng grupo ang mabilis na pagbibigay sa ipinangakong hazard pay at special risk allowance ngayong pandemya.


Mayroon na aniyang budget dapat para dito at nais nilang pabilisin na ng Department of Health (DOH) ang pagre-release nito para sa mga nurse.

Ipinaalala rin ni Nolasco na noon pang Enero ng kasalukuyang taon dapat naipatupad ang pagbibigay ng Salary Grade 15 sa mga nurse.

Facebook Comments