Grupo ng mga nurse, muling kinalampag ang pamahalaan para sa dagdag sweldo

Nagkasa ng maikling program ang isang grupo ng mga nurse sa labas ng Philippine General Hospital (PGH).

Ito’y upang ipanawagan ang dagdag sweldo upang masolusyunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.

Nabatid na ang ikinasang programa ay bahagi ng 3rd National Congress ng Filipino Nurse United (FNU) na sinimulan ngayong araw hanggang bukas, April 13, 2023.


Hiling ng nasabing grupo na itaas sa P50,000 ang salary ng mga nurse.

Paliwang nila, kaya karamihan sa kanilang hanay ay napipilitan magpunta at magtrabaho sa ibang bansa ay dahil sa liit ng sweldo na natatanggap ng mga nurse dito sa Pilipinas.

Panawagan pa ng grupo sa gobyerno, pabutihin sana ang kundisyon ng mga nurse upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa sariling bansa.

Sa kasalukuyan, higit sa 100,000 nurses sa pribadong sektor ang sumasahod lamang daw ng P537 kada araw sa Metro Manila kung saan mas mababa pa ang ibang tinatanggapa kapag nasa labas ng NCR.

Sa mga pampublikong ospital naman ay nasa P35,000 lamang ang ‘minimum salary’ na bagaman mas mataas ay matindi naman ang sakripisyo nila dahil sa dami ng trabaho at pasyenteng inaasikaso.

Facebook Comments