Grupo ng mga OFW at health workers, nagkasa ng protesta sa PGH para tutulan ang paglilipat pondo ng PGH

Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang grupo ng mga OFW at health worker sa tapat mismo ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Maynila.

Ito’y para ipakita ang kanilang pagtutol sa planong ibalik ang nasa ₱89.9 billion na sobrang pondo ng PhilHealth sa national treasury.

Ayon sa grupong Health Alliance for Democracy at Migrante International, hindi dapat magamit ang pondo ng PhilHealth bilang pork barrel na walang malinaw na program kung saan ito mapupunta.


Panawagan nila na dapat ay direktang gamitin ang nasabing pondo sa mga pampublikong hospital, pasilidad at iba pang serbisyo na makikinabang ang taumbayan.

Giit ng mga grupo, ang paglilipat ng pondo ay iligal, hindi makatwiran at imoral lalo na’t kontribusyon ito ng mga manggagawa.

Anila, mas maiging ilaan ang pondo bilang dagdag benepisyo at serbisyo ng PhilHealth sa mga miyembro nito.

Facebook Comments