Grupo ng mga operator ng provincial bus, iginiit na hindi sila ang dahilan ng pagsikip ng trapiko sa Edsa

Aminado ang samahan ng mga provincial bus operators na malaking abala ang plano ngayon ng MMDA na pagbawalan ang kanilang mga sasakyan na dumaan sa Edsa.

Ayon kay Alex Yague, Executive Director ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines o PBOAP… Magdudulot ng malaking problema sa mga pasahero ang planong ito ng mmda dahil doble gastos sa pamasahe at dagdag sa oras ng pagbiyahe

Aniya, hindi naman lahat ng mga bus na galing probinsiya ay sa Edsa dumadaan dahil ang iba sa mga ito sa ay Lawton at Sampoc nagtutungo kahit pa galing ng Timog o Norte.


Bagamat inilatag na sa kanila ng MMDA ang implementasyon ng bagong polisiya, kanila naman ipinaliwanag na kawawa ang mga pasahero na galing sa kalapit na probinsiya na nag-aaral, nagta-trabaho sa pribado kumpaniya at sa gobyerno.

Muli din niyang iginiit na hindi ang provincial buses ang dahilan ng pagsikip ng daloy dahil hindi naman nadagdagan ang bilang nito simula noong 1992 hindi tulad ng mga p2p buses na binigyan ng permit kung saan wala din itong coding at araw-araw bumibiyahe sa edsa.

Facebook Comments