Grupo ng mga pribadong ospital, muling hihiling ng dayalogo sa DOH at PhilHealth kaugnay sa unpaid claims

Inihayag ng pangulo ng Philippine Hospital Association na isa sa dahilan kung kaya’t hindi sila makapagdagdag ng mga kama ay dahil sa delay ng pagbibigay ng reimbursements mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Dr. Jaime Almora, tinatayang aabot pa sa daan-daang milyon ang reimbursements na hindi pa nababayaran ng PhilHealth sa mga pribadong ospital.

Iginiit din ni almora ang kahalagahan ng operasyon ng mga pribadong ospital lalo na’t sila ang bumubuo ng 60 percent ng healthcare sa bansa habang 40 percent naman ang mga ospital na pinamamahalaan ng gobyerno.


Sa ngayon, umapela rin ang grupo na magkaroon sila ng panibagong dayalogo kasama ng Department of Health at PhilHealth kasama ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) upang mapag-usapan ang problema.

Una nang sinabi ni PHAPi President Dr. Jose Rene de Grano sa interview ng RMN Manila na malabo ang hiling ng gobyerno na dagdagan pa ang bed capacity ng mga pribadong ospital dahil sa kakulangan ng mga nurse.

Facebook Comments