Grupo ng mga pribadong ospital sa bansa, naniningil na rin ng mga unpaid claims sa PhilHealth

Nanawagan na rin ang grupo ng mga pribadong ospital sa bansa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ilabas na ang kanilang COVID-19 reimbursements.

Sa interview ng RMN Manila kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano, aabot na sa bilyong piso ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital para sa mga COVID-19 patients na covered ng state insurer.

Ayon kay Grano, naka-usap na nila ang pamunuan ng PhilHealth at nangakong babayaran ang mga unpaid claims ngayong katapusan ng buwan.


Umaasa ang PHAPhi na mababayaran sila agad ng PhilHealth lalo pa’t nanganganib na ngayong magsara ang ilang sa maliliit na ospital na miyembro ng grupo.

Una na ring naningil ang Philippine Red Cross sa PhilHealth sa bilyong pisong pagkakautang nito sa mga isinagawang COVID-19 testing para sa mga returning OFWs.

Sa nasabing utang, P500 million pa lamang ang nabayaran ng PhilHealth.

Facebook Comments