Grupo ng mga seafarer sa Maynila, tutungo sa Senado para magkasa ng kilos-protesta

Nakatakdang magsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga seafarers sa Maynila sa labas ng Senado ngayong alas-10:00 ng umaga.

Ito’y upang ipanawagan kay Sen. Chiz Escudero ma magkaroon ng pang-unawa at puso sa mga marino.

Nabatid na ngayong umaga isasalang ang panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers sa Bicameral Conference Committee na gaganapin sa Senado.


Ayon sa grupo ng Amor Seaman at Seafarers of the Philippines, nakatanggap sila ng impormasyon na si Sen. Escudero ang umano’y nasa likod para ang “Escrow Provision” na nasa bersyon ng House of Representatives ay maaaring ibalik sa Bicam sa pamamagitan ng “Fiduciary Account”.

Matatandaan ipinasa ng Senado ang kanilang bersyon ng Magna Carta of Filipino Seafarers na walang probisyon.

Ikinagalit naman ng grupo ng mga marimo ang nakuha nilang kopya ng proposed amendment sa panukala dahil nagkaroon ng insertion na halos pareho lamang sa nauna.

Nabatid na sa nasabing usapan, nakapaloob dito na ang ibabayad na disability benefits sa mga marino ay kung anong gusto lamang na ibayad ng mga manning agency na hindi makatwiran dahil hindi pa ito kumpletong makukuha habang dinidinig ang kaso o apela na inaabot pa ng 10 o higit pang taon.

Kaya’t dahil dito, mapipilitan na lamang ang mga marino na makipag-areglo dahil walang makakain ang kanilang pamilya kung saan dehado sila sa nasabing probisyon na nais gawing batas.

Facebook Comments