Humiling ng 20 pesos na flagdown rate ang grupo ng mga taxi driver kaugnay ng pagkadismaya ng mga ito sa limang pisong taas-pasahe sa taxi na itinakda kamakailan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa interview ng RMN Manila kay LTFRB Chairman Atty. Cheloy Garafil, imposible ang hinihiling na dagdag-pasahe ng nasabing grupo dahil lubhang maaapektuhan ang mga mananakay, lalo na’t mataas ang inflation rate sa bansa.
Dagdag pa ni Garafil, binalanse lamang ng ahensya ang pagtatakda ng taas-pasahe sa pagitan ng mga driver at pasahero.
Samantala, higit 50 ruta naman ang inaasahang bubuksan ng LTFRB sa susunod na linggo sa Metro Manila bilang bahagi ng phase 2 ng re-opening ng mga lumang ruta sa lungsod.
Facebook Comments