Nagkasa ng transport caravan ang grupo ng mga truckers sa lungsod ng Maynila.
Ito’y para ipanawagan ang hinaing nila hinggil sa mataas na singil sa paghahatid ng mga basic commodities at basic necessities.
Ayon kay Mary Zapata, presidente ng Confederation Of Truckers Association Of The Philippines (CTAP), hindi na kinakaya pa ng kanilang samahan ang mataas na singil sa tuwing sila ay ba-biyahe o magde-deliver ng mga pangangailangan.
Ilan sa mga hinaing ng kanilng grupo ay ang ipinapatupad na anti-over load policy ng Philippine Ports Authority (PPA), problema sa sistema ng Terminal Appointment Booking System (TABS), mga kwestyonableng bayarin sa International Container Terminal Services, Inc. at mga polisiya hinggil sa anti-over loading na ipinapatupad ng iba’t ibang LGU tulad na lamang ng truck ban, travel fees at permit.
Bukod dito, problema rin nila ang sistema sa mga shipping lines pagdating sa usapin ng mga containers at ang implementasyon hinggil sa regulasyon ng mga empty containers.
Nagsimula ang transport caravan sa Quirino Grandstand kung saan umikot ang grupo sa may labas ng Malacañang hanggang makarating ng Pier.
Hiling nila na resolbahin muna sana ang mga problema at isyu upang kahit papaano ay hindi sila malugi at maging maayos ang pagdadala ng mga pangunahing pangangailangan.