Grupo ng mga tsuper, mapipilitang humingi ng TRO sa SC kapag hindi pinagbigyan ang kanilang hirit na 5-year extension sa franchise consolidation

Mapipilitan umanong magpasaklolo sa Supreme Court (SC) ang mga tsuper bago ang deadline ng consolidation ng franchise para sa PUV modernization program, kapag hindi pinagbigyan ng pamahalaan ang kanilang hirit na suspendehin muna ang pagpapatupad nito.

Iginiit ng lider ng grupo at operator na si Teody Permejo, na pinag-aaralan na nila ang paghahain ng legal remedy partikular ang paghahain ng temporary restraining order (TRO) kapag hindi papayagan ng pamahalaan na itigil muna ang franchise consolidation na ang deadline ay sa katapusan ng buwan ng Disyembre.

Aniya, nais ng kanilang grupo na magkaroon pa ng limang taong extension para sa franchise consolidation.


Samantala, pahirapan naman ngayon ang ilang pasahero dahil sa mga apektadong ruta ng tigil pasada, hiling nila sa mga transport group huwag na sana gumawa ng ganitong hakbang dahil nakakaawa ang mga pasaherong hirap sa pagsakay.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang programa ng grupong PISTON sa iba’t ibang destinasyon sa Metro Manila at sa harap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maiparating pa rin sa pamahalaan ang kanilang hinaing patungkol sa PUV modernization program.

Facebook Comments