Grupo ng mga vendors sa Maynila, nag-rally sa Manila City Hall

Sumugod ang grupo ng mga vendor sa Manila City Hall para kondenahin ang anila’y marahas na clearing operations ng mga tauhan ng City Hall sa kanilang mga puwesto.

Mula sa Luneta, nagmartsa patungong City Hall ang mga miyembro ng United Vendors Alliance.

Anila, Bukod sa pagwasak sa kanilang mga kariton at pagkumpiska sa kanilang mga paninda, armado rin aniya ang ilan sa kasama sa clearing operation.


Hiniling ng mga vendors ang dayalogo kay Manila Mayor Isko Moreno.

Inihihirit ng grupo na pahintulutan pa rin silang makapagtinda sa mga Parke, Plaza at mga palengke sa Lungsod.

Ayon sa United Vendors Alliance, ligal ang kanilang samahan at ang kanilang trabaho dahil nagbabayad sila ng hawkers fee sa mga tauhan ng City hall.

Facebook Comments