Grupo ng NPA na pumatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental, tinutugis ng pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP

Tinutugis ng pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP ang grupo ng NPA na responsable sa brutal na pagpatay noong nakaraang Huwebes sa 4 na pulis sa Negros Oriental.

Sinabi ni AFP Central Command Commander Lt. Gen. Noel Clement, na nagpapatuloy ang kanilang hot pursuit operations sa tinatayang 20 hanggang 25 terrorista.

Aniya, isang batalyon ng sundalo kasama ang Regional Mobile Force Regional Peace and Security Batallion ng PNP ang nagsasagawa ng operasyon.


Batay sa kanilang nakuhang report, lumipat na ang mga terrorista sa katabing lalawigan ng Negros Occidental para magpalamig.

Paliwanag ni Celement, ang ginawa ng mga terorista sa apat na pulis ay bahagi ng kanilang planong i-“intimidate” ang residente sa lugar na sumuporta uli sa NPA matapos na ma-clear ng militar ang lugar.

Matatandaan ang apat na pulis ay rumesponde sa sumbong ng presensya ng mga armadong tao sa sitio Yamot, Brgy. Mabato, Ayungon, Negros Oriental noong Huwebes, nang harangin sila at tinorture bago in-execute sa pagbaril sa ulo ng  grupo ng mga NPA.

Mariing kinondena ng Lt. Gen. Clement ang insidente at sinabing hindi gawain ng mga sibilisadong tao ang pag-execute sa mga sumukong kalaban.

Facebook Comments