Nagsanib-pwersa ang Overseas Filipino Worker (OFW) organizations sa Hong Kong para ipanawagan ang pagbasura sa Overseas Employment Certificate (OEC).
Target ng grupo na makakalap ng 40,000 na pirma mula sa online at face-to-face, at mai-sumite sa opisina ng POLO, Kongreso at sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ipinaabot na rin nila sa DMW ang kanilang hinaing.
Inihihirit din nila ang pagbasura sa mandatory contributions ng OFWs tulad ng PhilHealth, Pag-IBIG, Social Security System (SSS) at compulsory insurance.
Ang naturang Pinoy workers ay binubuo ng 38 na samahan sa Hong Kong.
Facebook Comments