Grupo ng pambansang minorya, nagkilos-protesta sa tanggapan ng DOJ

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga grupo ng pambansang minorya sa harap ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila ngayong araw.

Ito ay upang ipanawagan ang pagpapalaya kila Julieta Gomez at Niezel Velasco.

Si Gomez ay isang Lumad at organisador, habang si Velasco naman ay advocate ng karapatan ng mga katutubo.


Inaresto sila noong 2021 dahil sa mga kasong illegal possession of firearms at murder.

Giit ng Sandugo, gawa-gawang kasong lang ang isinampa laban sa dalawa.

Naghain naman ang grupo ng writ of certiorari sa Court of Appeals (CA) para hingin sa korte ang pag-rebyu sa mga kaso nina Gomez at Velasco.

Facebook Comments