Grupo ng tambay, ‘napagtripan’ saksakin ang isang construction worker

1495

Sa kabila ng umiiral na curfew, napagtripan umanong saksakin ng ilang kalalakihan ang isang construction worker sa kalsadang sakop ng Barangay 732, Zone 80, Malate, Manila nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rolly Jubilag, 21-anyos, residente ng Gonzalo Street sa naturang lungsod.


Batay sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman sa loob ng bahay ang binata at kaniyang mga nang magboluntaryo siya na lamang ang bibili ng yelo.

Habang naglalakad ay bigla raw siyang hinarang ng grupo ni Billy Velasco, na nakatambay daw sa isang eskinita noong mga oras na ‘yon, at hinampas siya ng bote sa ulo.

Bago tumakas, nagawa pa nilang saksakin sa dibdib si Jubilag gamit ang isang patalim.

Patuloy na inoobserbahan sa Sta. Ana Hospital ang biktima na nagtamo ng mga hiwa at sugat sa katawan.




Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung paanong nakalusot sa barangay ang mga nakatambay na salarin habang nagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga ito.

Facebook Comments