Nagprotesta ang iba’t ibang grupo mula sa Timog Katagalugan sa harap ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila ngayong araw.
Ito ay para kondenahin ang sunod-sunod na mga kasong naitala na may kaugnayan sa Anti-Terrorism Act.
Kamakailan lang, naghain ng criminal complaint ang 59th Infantry Battalion ng Philippine Army laban kay Jasmin Rubio, Kenneth Rementilla, at Hailey Pecayo, na mga human rights defender mula sa Timog Katagalugan, dahil umano sa paglabag sa Anti-Terrorism Act.
Nagsumite rin sila ng open letter kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para manawagan ng agarang imbestigasyon sa kaso at itigil na ang paggamit sa nasabing batas laban sa mga human rights defender.
Facebook Comments