Grupo ng TNVS drivers at operators, maghahain ng reklamo laban sa LTFRB

Maghahain ang grupo ng Transport Network Vehicle Service o TNVS drivers at operators ng reklamo laban sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Ombudsman.

Ito ay may kaugnayan sa problema sa pagpoproseso ng applications at sa pagbabawal ng hatchbacks para sa TNVS.

Ayon kay Metro Manila Hatchback Community Chairperson Jun De Leon – sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular (2018-005), papayagan pa ring bumiyahe ang mga hatchback vehicles bilang TNVS hanggang Pebrero 2021.


Sabi naman ni Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) President Ariel Inton – nag-isyu na ang korte ng summons para atasan ang LTFRB na sagutin ang mandamus case na inihain nila sa loob ng 15 araw.

Giit naman ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III – standard ang mga procedures sa pagkuha ng prangkisa, mapa-bus, jeep, taxi o UV Express.

Matatandaang magkakasa ng 12-oras na tigil pasada ang mga TNVS sa Lunes, July 8 bilang protesta sa LTFRB.

Facebook Comments