Grupo ng TNVS, muling nagkasa ng kilos protesta laban sa LTFRB

Nagkasa ngayon ng tigil pasada ang ilang miyembro ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) upang kondenahin ang nangyaring dayalogo sa kanilang pagitan at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Martes.

Giit ng Laban TNVS – isang umbrella group ng TNVS Operators and Drivers Nationwide and Commuters Group, nais nilang iparating sa LTFRB ang pagtutol sa nangyaring dayalogo kung saan itinuturing nila itong monologue ng ahensya.

Inaasahan kasi ng grupo na ilalabas na ng LTFRB ang desisyon nito sa kanilang mga hiling na bawasan ang mga kinakailangang dokumento at pag-ban sa mga hatchback vehicles ngunit nabigo sila.


Una nang iginiit ni LTFRB Chairman Martin Delgra na labag sa anti-colorum drive ng pamahalaan kung papayagan niya na makapagbiyahe ang mga colorum na TNVS.

Facebook Comments