Grupo ng transportasyon, humirit sa DOTr at LTFRB na bawiin na ang inihain nilang ₱1 voluntary fare reduction

Kasunod ng walang prenong taas-presyo ng produktong petrolyo, nais bawiin ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang inihain nilang pisong voluntary fare reduction noong 2018.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni LTOP President Orlando Marquez na makakatulong ito upang mas malaki ang kita na mauwi ng mga tsuper na hirap na hirap na dahil sa magkakasunod na oil price hike.

Ayon pa kay Marquez, hiling din nilang maisalang na sa pagdinig ang ₱2 fare increase sa mga pampublikong transportasyon partikular na ang sa jeep.


Ani Marquez, kahit pa tuluyan nang ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila at mag-100% capacity na ang mga pampublikong transportasyon ay hirap pa rin ang mga tsuper dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments