
Naghain na ang grupo ni Atty. Ferdinand Topacio ng ethics complaint laban kay Senator Risa Hontiveros sa Senado.
Ang reklamo ay kaugnay sa “witness tampering” o panunuhol umano ng senadora sa mga testigo laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Kasama ni Topacio sina Attys. Jacinto Paras at Manuel Luna na nagtungo sa Senado para magsampa ng complaint laban kay Hontiveros sa Senate Committee on Ethics.
Matatandaang si Michael Maurillo o alyas Rene ay inakusahan ang senadora na binayaran siya ng P1 million para tumestigo sa mga seryosong kaso laban Pastor Quiboloy at idawit sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Nauna namang sinabi ni Hontiveros na anumang reklamo ang ihahain laban sa kanya ay handa siyang harapin ito.









