Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Antonio Sonny Trillanes IV na kaya binalik sa serbisyo si supt. Marvin Marcos ang at mga kasamahan nitong pulis ay magsagawa muli ng pagpatay ng hindi napaparusahan.
Si Marcos at mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG region 8 ay pawang sangkot sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando espinosa habang nakaditine sa Baybay Sub Provincial Jail.
Diin ni Trillanes, kaya ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupo ni Marcos sa PNP ay upang hindi ibunyag ng mga ito ang kanilang nalalaman.
Kaugnay ito sa pagkakasangkot aniya ni Pangulong Duterte mismo sa pagpatay kay Espinosa.
Ipinaalala ni Trillanes na suspendido na noon si Marcos pero iniutos ni Pangulong Duterte na ibalik ito sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG region 8 para umano isagawa ang pagpaslang kay Espinosa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558