
Nagsagawa ng noise barrage ang grupong Akbayan Party, Akbayan Youth, The Student Council of the Philippines (SCAP), Youth Against Kurakot at Tindig Pilipinas sa People Power Monument ngayong umaga.
Panawagan ng grupo na magkaroon ng transparency at accountability hanggang sa ang lahat ng mga kurap na pulitiko at kontraktor na sangkot sa maanomalyang flood control projects ay makulong.
Pinaalalahanan naman ni Akbayan Youth Secretary General at lead convenor ng Youth Against Kurakot Khylla Menses ang gobyerno na maniningil pa rin ang taumbayan hangga’t walang napapakulong at naibabalik na ninakaw mula sa kaban ng bayan.
Dagdag pa nya, padami nang padami ang problema ng bayan pero hanggang ngayon ay wala pa ring pananagutan.
Ayon pa kay Menses, naging matagumpay ang mga nakaraang kaganapan sa EDSA, dahil dito hindi umano sila magsasawang bahain muli ito ng kilos-protesta.
Samantala, mapayapang natapos ang isinagawang noise barrage ng grupo sa kabila ng ambon na nararanasan sa lugar.









