Grupong Bantay Bigas, nagbabala sa napaulat na fake rice na ibenebenta sa mga palengke

Manila, Philippines – Nababahala ang grupong Bantay Bigas sa napaulat na fake rice na ibenebenta sa mga palengke.

Ayon kay Bantay Bigas Convenor Zenaida Soriano malaking hamon sa Duterte Administration ang isyu ng pekeng bigas dahil nagpapakita lamang umano ito na hindi kayang tugunan ng gobyerno ang pangunahing pangangailangan ng taongbayan na magkaroon ng sapat na bigas sa bansa.

Matatandaan na nilinaw ng NFA na walang fake rice na tinitinda sa palengke base na rin sa kanilang isinagawang pagsusuri sa nakabili umano ng pekeng bigas.


Sabi ni Soriano noong nakaraang taon nangako umano si Pangulong Duterte na nais ng kanyang Administrasyon na magkaroon ng Rice Self-Sufficiency pero ang Department of Agriculture at National Food Authority ay bigong matugunan ang problema ng kakulangan ng bigas sa bansa.

Giit ni Soriano bigo ang Duterte Administration na makagawa ng agarang reporma tungo sa tunay na pangmatagalang solusyon upang mapaunlad ang rice industry ng bansa.

Facebook Comments