Pinarerepaso ng grupong bantay bigas ang Rice Tariffication Law na tinuturong dahilan ng pag-lagapak ng presyo ng palay.
Dahil ditto, luging-lugi na ang mga magsasaka, kung saan imbes na 19 pesos, 7 pesos hangang 10 pesos nalang nila naibebenta ang kada kilo ng palay.
Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, pinapatay ng Rice Tariffication Law ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Hindi rin aniya sapat ang pautang ng gobyerno, dahil kung susumahin, hindi makakabayad ang mga magsasaka dahil sa binabarat ng mga negosyante ang mga inaani ng magsasaka.
Sa ngayon, mas mainam na hindi pautang kundi subsidiya ang unang gawin ng gobyerno habang patuloy na inaasikaso ang usapin sa Rice Tariffication Law.
Facebook Comments