GRUPONG BANTAY BIGAS, SUHESTIYON NA IHINTO ANG LAND USED CONVERSION SA BANSA BILANG ISA SA PAGTULONG NA MAIBSAN ANG PROBLEMA SA AGRIKULTURA

Ihinto ang land used conversion; yan ang isa sa suhestiyon ng grupong Bantay Bigas na isa sa nakikita nilang nagbibigay ng hirap sa pag-angat ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Ayon sa panayam ng iFM Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson, Cathy Estabillo, wala umanong dapat na gawin ang gobyerno kung hindi ay palakasin pa dapat ang ating lokal na produksyon sa pamamagitan ng pamamahagi sa mga magsasaka ng libreng lupa, mga support services, mga subsidy, at higit sa lahat nga ay ihinto ang land used conversion dahil habang hindi pa nasu-sustain o hindi nakakamit ang kasiguraduhan sa suplay ng pagkain dahil sa liberalized ang industriya ng agrikultura sa bansa ay tuloy-tuloy pa rin ito.
Isa lamang daw ito sa basic na problema ng mga magsasaka at pati na rin ng mga consumer kung saan isa ngayon sa tumaas muli ang presyo ay ang produktong bigas na pumalo na sa 44 pesos hanggang 60 pesos ang kada kilo.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsulong ng grupong Bantay Bigas na ibasura ang batas na R.A 11203 dahil mula noong maisabatas umano ito ay lahat umano ng layunin at proyekto ng gobyerno ay kabaliktaran ang nangyari. |ifmnews
Facebook Comments