Grupong BAYAN, irerekomenda na gobyerno na lamang ang humawak sa maintenance ng MRT3

Manila, Philippines – Nais ng Bagong Alyansang Makabayan na gobyerno na mismo ang humawak sa maintenance ng metro rail line 3.

Ayon Kay BAYAN Muna chair Neri Colminares, dapat ay natuto na ang gobyerno sa naging karanasan sa BURI kung kayat hindi dapat muling ibigay pa sa pribadong sektor ang kontrata sa pagmintini ng tren.

Dapat lamang aniya na tiyakin na maayos na magagastos ang pondo at hindi mapupunta sa korapsyon.


Hindi rin naniniwala si Colminares na dapat itigil ang operasyon ng MRT dahil wala pamg alternatibong mass transport.

Ang paglikha aniya ng dagdag na tren at subway ang tanging pangmatagalang solusyon para maibsan ang traffic sa Metro Manila.

Facebook Comments