Naging mapayapa nga ang pagtatapos ng People’s SONA 2023 o mga kilos-protesta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito.
Tinatayang aabot sa 10,000 ang mga lumahok sa People’ SONA dito sa may Tandang Sora Avenue Quezon City.
Taliwas ito sa naunang crowd estimate ng mga kapulisan na nasa higit 5,000 lamang.
Ayon sa kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary-general Mong Palatino, sakop nito ang lahat ng mga grupo na lumahok sa martsa at ang mga sumali sa aktibidad mula kaninang umaga.
Naliban sa Metro Manila, nagkaroon din ng kilos-protesta sa iba’t ibang lugar katulad ng Iloilo City, Kalibo, Roxas City, Capiz, Cebu City, Davao City, Naga City, at Baguio City — kung kaya’t umabot sa nationwide total crowd estimate na 12,000 ang People’s SONA.
Ilan sa mga panawagan ng mga grupo ay ang mataas na inflation, dagdag na sahod sa mga manggagawa at ang Maharlika Investment Fund na tinawag nilang Maharlika Scam.
Gayundin ang “soberanya na isa sa mga isyung bitbit ng mga lumahok sa gitna raw ng tuminding panghihimasok ng US at China sa bansa.
Sinunog din ng mga grupo ang tinawag nilang ‘Marcos Bootlicker’ effigy at ang “Doble Kara” effigy.
Dumating naman SONA 2023 protest ang delegasyon ng jeepney drivers na nagkasa ng transport strike ngayong araw para tutulan ang jeepney phaseout.
Samantala, pagtitiyak ng grupo na hindi sila titigil na kalampagin ang administrasyong Marcos kaugnay sa mga isyung kinahaharap ng iba’t ibang sektor sa bansa.