Grupong Bayan, umapelang magsampa ng protesta ang gobyerno ng Pilipinas vs. China

Mnaila, Philippines – Hinihimok ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang pamahalaan na maghain ng protesta kontra China.

Ito ay bunsod ng isinasagawang militarisasyon ng China sa mga isla sa South China Sea.

Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes walang legal na batayan ang pagtatayo ng mga base militar ng China sa mga isla, lalo na’t ito ay ginagamit para pwersahang angkinin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea kasama na ang mga isla na inaangkin din ng Pilipinas at isla na nakapaloob sa ating Exclusive Economic Zone.


Nanindigan ang grupo na mali ang gobyernong Duterte na umasa sa “good faith” ng China lalo’t bad faith ang ginagawa nito dahil sa hindi pagkilala sa hatol ng International Tribunal

Mistulan din aniyang hostage ang Pilipinas ng China dahil umaasa itong makakuha ng pautang at ayuda.

Giit pa ng Bayan napako na ang pangako ni Duterte na independent foreign policy.

Facebook Comments