Naghahanda na ang grupong Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) sa kanilang legal na hakbang matapos ibasura ng Comelec First division ang petisyong idiskuwalipika si presidential aspirant Bongbong Marcos.
Ayon kay Bonifacio Ilagan, convenor ng CARMMA, dismayado sila sa inilabas na desisyon.
Isa aniyang insulto ang pagtawag ni Commissioners Aimee Ferolino at Marlon Casquejo na walang batayan ang kanilang petisyon.
Aniya, maghahain sila ng apela sa Lunes upang panindigan ang kanilang assertion sa kanilang petition.
Hindi sang-ayon ang grupo sa ruling ng First Division na ang parusang multa kay BBM ay hindi batayan para sa kaniyang disqualification.
Gayundin, ang binanggit ng dalawang commissioner na wala silang nakikitang mali sa kabiguang mag-file ng tax returns ni Marcos dahil sa kawalan ng batas ukol dito.