Umani ng negatibong reaksiyon mula sa grupong CARMMA o Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law ang ginawang nominasyon ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) kay dating Senador Bongbong Marcos bilang standard-bearer ng partido sa 2022 elections.
Kaugnay ito sa isinagawang national convention ng KBL ngayong araw sa Binangonan, Rizal.
Ayon kay Prof. Judy Taguiwalo, convenor ng CARMMA, ang pagtakbo ni Sen. Bongbong Marcos ay isang nakakagalit na pagtatangka para ibalik sa kapangyarihan ang mga Marcos.
Layon lamang umano na makawala ang mga ito sa pananagutan sa mga kaso ng human rights violations.
Buo aniya ang paninindigan ng kanilang grupo na tutulan ang isang Marcos na makapuwesto sa Malakanyang.
Facebook Comments