Manila, Philippines – Nababahala ang grupong Coalition Against Darkness and Dictatorship sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.
Ayon sa Coalition Against Darkness and Dictatorship, nangangamba sila kapag nagpapatuloy pa ng matagal sa pamamahala sa gobyerno si Pangulong Duterte dahil hindi lamang umano ang ekonomiya ng bansa ang masisira bagkus maging ang katayuan sa Moral, Cultural at Social Fiber ng bansa ay maaapektuhan at malalagay sa kadiliman kapag tumagal pa ang pamamahala ng Duterte Administration.
Ipinunto ng grupo ang pagsasagawa ni Pangulong Duterte ng giyera laban sa droga na nauwi lamang umano sa Extra Judicial killings, ang pagsuko nito soberenya ng Pilipinas sa bansang China sa West Philippine Sea at Philippine Rise na mauuwi at mababaon lang sa utang sa China, paglala umano ng kurapsyon sa gobyerno, pagtulak sa magiging Federalismo ang porma ng gobyerno at ang epekto ng pagkawatak-watak ng kanyang liderato dahil na rin sa kumakalat na fake news mismo nanggaling sa gobyerno.
Giit ng grupo, nagkalat na umano ang fake news sa gobyerno, inihalimbawa nito ang naging pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguire II kung saan ay sinisi pa ang media sa kanyang nagawang pagkakamali sa ahensiya.
DZXL558