Grupong Federation of Free Workers, nakiisa sa pagkundena ng DOH sa mga inaabusong Health Workers

Naniniwala ang grupong Federation of Free Workers na isang paglabag sa Karapatang Pantao ang ginagawang pang-aabuso o pangha-harass sa mga Health workers na hindi inaalintana ang kanilang buhay mailigtas lamang ang maraming Pilipino sa nakahahawang virus.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula nakikiisa sila sa ginagawang pagkundena ng Department of Health sa mga Health Care Workers na nilalayuan dahil sa pangambang sila ay madapuan ng COVID-19.

Paliwanag ni Atty. Matula, hindi lamang paglabag sa ordinaryong batas bagkus paglabag din ito ng Human Rights at ang mga ginagawang deskriminasyon sa mga Health Workers na apektado ng COVID-19 ay isang paglabag umano sa Karapatang Pantao.


Una rito, nakapagtala kahapon ng 1,418 COVID-19 cases, na mayroong 71 mga nasawi at  42 mga naka-rekober kung saan 12 Filipino Doctors ang nagsakripisyo sa kanilang buhay laban sa COVID-19 pandemic.

Pinapurihan rin ni Atty. Matula ang lahat ng mga Health Workers kasabay ng panawagan sa publiko na dapat huwag balewalain ang kanilang ginagawang kabayanihan mailigtas lamang ang nakararaming mga Pilipino laban sa nakamamatay na virus.

Facebook Comments