Grupong Federation of Free Workers, nanawagan sa Pangulo na palawigin pa ang ceasefire sa pagitan ng CPP-NPA at AFP; social distancing, ipatupad

Umapila ang grupong Federation of Free Worker (FFW) kay President Rodrigo Duterte na palawigin pa ang unilateral ceasefire sa pagitan gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, trabaho umano ng lahat na sectors ng lipunan na pigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na dapat ito ang tutukan ng gobyerno gayundin sa mga makakaliwang grupo na dapat ay reorient ang kanilang mga pag-iisip tungkol sa pagsugpo sa nakamamatay na virus na COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Atty. Matula, ang usapin ng COVID-19 ang nagtulak sa mga car-manufacturer Volkswagen na gumawa ng medical supplies gaya ng respirators, maging ang mga textile companies ay gumagawa na ngayon ng disinfectants sa bansang Germany, habang ang General Motors ay gumagawa naman ngayon ng ventilators at iba pang mga medical supplies sa Amerika.


Dismayado ang FFW sa pagpatay at pag-atake gayong ang tigil putukan ay epektibo noong nakaraang linggo.

Una nang sinuportahan ng FFW ang pagdeklara ng unilateral ceasefire ng hiwalay sa gobyerno ng sa CPP-NPA.

Hinikayat ng grupong FFW ang magkabilang panig na sa halip na ipagpatuloy ang bakbakan, ipatupad muna ang “social distancing” at iwasan ang malapitang bakbakan sa kanayunan sa halip ay gamitin ang kani-kanilang pondo upang bumili ng mga pagkain at ibigay sa mga nagugutom na Pilipino na lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments