Grupong Federation of Free Workers, umapela kay Pangulong Duterte na i-veto ang Anti-Terror Bill

Nanawagan ang grupong Federation of Free Workers kay Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanyang veto power upang ibasura ang kontrobersiyal na Anti-Terror Bill.

Paliwanag ng grupo, bukod sa labag ito sa Saligang Batas, ay sinisikil nito ang karapatang mabuhay alinsunod sa provision ng Bill of Rights.

Ayon kay Federation of Free Workers President Atty. Sonny Matula, nilalabag ng Section 29 ng panukala ang Konstitusyon sa pagpapahintulot sa mga otoridad na arestuhin ang mga taong pinaghihinalaan pa lamang na terorista at ikulong nang aabot sa 24 araw.


Giit ni Atty. Matula, tanging ang mga hukom lamang ang mayroong karapatang mag-isyu ng warrant of arrest at batid din ng Pangulo na labag ito sa Saligang Batas.

Facebook Comments