Grupong Federation of Free Workers, umapila sa Private Sector Health Workers na bigyan ng Hazard Pay na 5 libong piso

Hinikayat ng grupong Federation of Free Workers si pangulong Rodrigo Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello III na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang utusan o kumbinsihin ang Manangement ng Medical and Health Institution na isama ang mga Health Workers na mabigyan ng Hazard Pay na P5,000.00.

Ayon kay FFW President Sonny Matula, ang mga health workers sa mga private hospital and medical institutions ay hindi umano kasama na mabigyan ng Hazard Pay sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o RA 11469 pero karapat dapat silang mabigyan ng pabuya dahil ibinubuwis nila ang kanilang buhay mailigtas lamang ang mga nakararaming Pilipino na dinadapuan ng COVID-19.

Paliwanag ni Atty. Matula, hindi lamang mga Health Workers ang nararapat na mabigyan ng Hazard Pay bagkus maging ang mga Janitor at Garbage Collector sa mga pribadong kumpanya na nagpapatuloy sa kanilang serbisyo sa kabila ng nakaambang peligro sa kanilang mga buhay.


Giit ni Atty. Matula, mas pasasalamatan nila kung ang Pangulo at ang Kongreso ay bibigyan ng Php 25,000.00 na Hazard Pay incentives ang mga Health Workers na mga Frontliners kung saan hindi inaalinta ang posibleng mangyayari sa kanila mailigtas lamang ang ating mga kababayan na nadapuan ng COVID-19.

Facebook Comments