Grupong FEJODAP, nakahandang sumunod sa No Vax / No Ride-No Entry Policy sa mga pampublikong transportasyon

Aminado ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na malaking kabawasan na naman sa kita ng mga drivers ang full implementation ng No Vax / No Ride-No Entry Policy sa mga pampublikong transportasyon.

Gayunman, sinabi ni Ka Boy Rebańo, National President ng FEJODAP, kailangan nilang sumunod sa panibagong polisiya ng gobyerno.

Aniya, sa ngayon ay kinakailangang makipagtulungan ang lahat para sa kapakanan at kaligtasan ng nakararami.


Naglabas naman ng saloobin ang lider ng FEJODAP sa ilang Local Government Unit (LGU) na nagpataw pa ng penalty sa mga ipinasa nilang ordinansa na naglilimita sa galaw ng mga unvaccinated individuals.

Aniya, masakit isipin na may pandemya na ay pagmumultahin o ikukulong pa ang mga di bakunado.

Facebook Comments