Grupong FFW, nagpahayag ng suporta sa temporary ban na bibisita sa bansa mula China

Nagpahayag ng suporta ang Federation of Free Workers (FFW) sa naging desisyon ni President Rodrigo Duterte na ipatupad ang temporary travel ban sa mga papasok sa bansa mula sa mainland China at sa kanilang Special Administrative Regions.

Ayon kay Federation of Free Workers President Atty. Sonny Matula, ang temporary ban ay panawagan para sa kaligtasan ng publiko upang maiwasan na mahawaan ng pagkalat ng nakamamatay na  nCoV  kung saan isa na ang nasawi sa bansa.

Paliwanag pa ni Matula na ang bagong batas na Occupational Safety and Health Act ay malaking tulong sa mga manggagawa  para mabigyan ng proteksyon at mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit na nCoV dahil binabalangkas na nila kung papaano makatutugon para maprotektahan ang kalusugan ng mga manggagawa.


Gayundin nanawagan ang Federation of Free Workers sa mga employers na mag-convene sa naturang Occupational Safety and Health Committee, na pangungunahan ng employer o kanya-kanyang representative habang ang secretary naman ay ang kumpanya o Project’s Safety Officer, na ang tanging   agenda ay ang usapin para mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang virus.

Facebook Comments